Big Thing isinisiwalat ang magulong laro ng pulitika

MANILA, Philippines - Unti-unting isinisiwalat ng primetime Koreanovela ng GMA 7 na Big Thing ang magulong laro ng pulitika sa buhay ng baguhang pulitiko na si Maureen Seo (Ko Hyun Jung).

Matapos maupo sa South Korean congress noong nakaraang linggo, kinakaharap naman ni Maureen ang oposisyon ng mga ka-partido dahil sa pagsuway niya sa kanilang nais. Ituturing na siyang kaaway ni Victor Kang (Cha In Pyo), isa sa mga tumulong sa kanya noong panahon ng kampanya. Hanggang kailan pangangatawanan ni Maureen ang kanyang mga prinsipyo?

Samantala, nanganganib na mawala ang kredibilidad ni Edward Ha (Kwon Sang Woo) dahil sa pagbaligtad ng kanyang witness laban sa isang corrupt na congressman. Makabangon pa kaya siya sa kabila ng hindi inaasahang pangyayaring ito?

Ang Big Thing ay napapanood Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Inside Protégé sa GMA 7 Telebabad

Show comments