Nakapunta ka na ba sa isang food market?

MANILA, Philippines - Usung-uso lalo na kung ganitong malapit na ang Kapaskuhan ang pagsulpot ng mga tiyangge lalo na kung Sabado’t Linggo. Alam n’yo bang meron na ring mga food market kung weekend sa loob at labas ng Metro Manila?

Dadalhin tayo ng Life and Style With Gandang Ricky Reyes sa ganitong food markets ngayong Sabado, alas onse ng umaga na umeere sa GMA News TV.

Ililibot tayo ni Mader Ricky sa Quezon Memorial Circle kung saan maraming pondohang nagtitinda ng mga masasarap at specialty dishes tulad ng Taniegra okoy at crispy crablets, pancit-Tuguegarao at Kabayan mata ng baka. Mayroon ding hinango sa mga banyagang lutuin tulad ng Japanese hotdogs, teriyaki, mushroom loco, cheese explosion, Cajun ng New Orleans, kyma ng Taiwan at big better burger ng USA.

May interbyu rin si Mader RR sa mga celebrity tungkol sa paborito nilang pagkain at kung saan-saan sila pumupunta para sa mga exotic, healthy at katakam-takam na pagkain.

“Ugali na nating pagkatapos kumain ng tanghalian o hapuna’y naghahanap tayo ng dessert. Isasama ko kayo para tikman ang mga matamis sa Machiavelli Chocolate Boutique at sa Chef Tony kung saan iba-ibang fruit-flavored na putahe ang mabibili,” sabi ni Mader.

Bilang pagbibigay sa kahilingan ng mga ina ng tahana’y may cooking demo mula sa kusina ng Coconut House. Ang mga lulutui’y laing pizza, buko sherbet at coco pandesal.

Ang LSWGRR ay produksyon ng ScriptoVision

Show comments