Ticket sa Black Eyed Peas concert may 20% discount!

MANILA, Philippines - Inaabangan na ang pagdating sa Manila ng Black Eyed Peas dahil sa posibleng paghihiwa-hiwalay na ng hip hop group pagkatapos ng Oct. 25 concert.

Habang ipinagdarasal ng mga loyal fans na hindi ito magkatotoo, may isa namang magandang balita ang Philippine producer, Futuretainment, para sa Where Is the Love?: This is Love Black Eyed Peas concert. Magbibigay ng 20 percent discount para sa lahat ng early bird patrons hanggang Sept. 10 lang!

Para sa mga ticket inquiries, tawagan ang SM Tickets, 470-222; TicketWorld, 891-9999; MMI, 0917-5555415, 586-7275; o Futuretainment, 0947-3964539, 577-3265.

Show comments