Birthday ni Ogie pinuntahan ni Presidente

SEEN : Under construction pa ang official website ng Gary Valenciano dahil na-hack ito.

SCENE : Walang kaingay-ingay ang X-Deal, ang sexy movie nina Jon Hall, Paloma, at ex-PBB teen housemate Jamilla Obispo.

SEEN : Noong Sabado ang last taping day ng The Sisters ng TV5.

Ipapalit sa timeslot ng The Sisters ang Ang Utol Kong Hoodlum, ang long-delayed action/drama TV series nina JC De Vera at Jasmine Curtis.

SCENE : Dapat igalang ang desisyon ni Camille Pratts na huwag i-reveal ang karamdaman ng kanyang asawa dahil hindi madali ang pagsubok na pinagdaraanan nila.

SEEN : Dumalo si P-Noy sa 44th birthday celebration ni Ogie Alcasid sa Ayala Hillside Clubhouse noong Lunes ng gabi. Sinuportahan ni Ogie ang kandidatura ni P-Noy noong nakaraang taon.

SCENE : Si Bever­ly Vergel ang acting coach ng Iglot cast. Si Beverly ang nagturo sa baguhang childstar na si Milkcah Wynne Nacion ng tamang pag-ar­te. Matagal nang hindi ko­nektado si Beverly sa Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN.

SEEN : Ang malaking letter X na inilagay sa mukha ni Phil Younghusband sa picture nila ng kanyang ex-manager na si Joyce Ramirez na naka-post sa Facebook nito. Nawalan ng masyadong balita tungkol kay Phil simula nang matalo ang Team Azkals sa huling laban nila.

Show comments