Kubli may premiere night ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong gabi na ang premiere night ng Kubli, Agosto 15, 8:00 p.m. sa UP Film Institute, UP Diliman, Quezon City.

Ang Kubli ay isang makabuluhang gay indie film mula sa Golden Pot Film Productions kung saan bida ang indie actors na sina Johnron Tañada at Eugene Tejada, kasama sina Dustin Jose, Je­remy Ian, Rick Rick Sabick at Jenaira Chu.

Ito ang unang pelikulang dinirek ni Paul Singh Cudail na siya ring lumikha ng script.

Si Johnron ay dating miyembro ng Viva’s Men of Provoq at nakalabas na rin sa ilang mga indie films tulad ng Troika, Kambyo, Lovebirds, Lukaret, at may isa pa ring ipapalabas soon, ang Kape Barako.

 Mabibili ang tickets (P200 each) sa entrance ng UP Film Institute o makipag-ugnayan kay Rey Pancho sa 0920-9827113.

Show comments