Richard kinokondisyon ang katawan kahit nakabakasyon

MANILA, Philippines - Ini-enjoy ng todo ni Richard Gutierrez ang kanyang bakasyon sa Los Angeles, California sa piling ng kanyang pamilya, mga kamag-anak, at kaibigan. Ito ay pagkatapos ng paghihirap niya sa pagtatapos ng Kapuso action-adventure series na Captain Barbell.

Pero kahit nakabakasyon sa LA, alam n’yo bang walang tigil ang workout ng aktor? Ginagawa rin niya ang pag-eensayo sa triathlon — biking, running, at swimming. Hindi puwedeng puro pagrere-relax lang. Paghahanda ito sa pagbabalik niya sa Manila dahil sasabak na naman sa matinding work schedule.

Mauuna na ang pagho-host ng mga environmental shows na Planet Philippines at Anatomy of Disasters. Ang mga eco-friendly programs ay nagbigay na ng karangalan sa aktor at sa GMA 7 sa mga international competitions.

Kasunod agad ang ikalawang season ng Survivor Philippines Celebrity Showdown na bagong sikretong lugar na naman ang pagdadalhan sa mga mapipiling castaways.

May nilalatag ulit na solo show para kay Richard. Kung siya ba ay superhero uli ay hindi pa ipapaalam.

At dahil Valentine Box-Office King din ang aktor, isang romantikong pelikula ang inaasahang ilalabas sa February 2012.

Bukod sa mga nabanggit, kabi-kabila rin ang mga product endorsements ni Richard. Kaya hindi nakapagtataka na dapat ay in top condition talaga ang pangangatawan ng Kapuso hunk. 

Show comments