_ngayon
^

PSN Showbiz

Pia hindi na itinatago ang mapapangasawa

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Unti-unti nang inilalantad ni Pia Guanio ang kanyang fiancee na si Steve Mago. Hindi pumalag si Pia nang kunan ng TV crew ang pag-alis nila ni Steve noong nakaraang Lunes.

Nagpunta ang dalawa sa Europe at nakunan sila ng TV crew habang nasa Ninoy Aquino International Airport.

Nasa Europe din ang grupo ng Eat Bulaga pero hindi kasama si Pia dahil iba ang itinerary nito at ng kanyang future husband.

Rap Fernandez Isinugod Sa ER

Get well soon kay Rap Fernandez na dinala sa emergency room ng isang ospital dahil mataas ang kanyang lagnat.

Usung-uso ngayon ang sakit dahil sa bad weather at kabilang si Rap sa mga natsambahan. Iwasan ang magpaulan ang advise ko sa lahat para hindi kayo magkasakit.

Illac Diaz gustong ipakulong si Angelica

Hindi pa pala tapos ang away nina Illac Diaz at Angelica Jones. Nagpapatutsadahan pa rin ang dalawa, kesehodang nasa korte na ang kaso na isinampa ni Angelica laban kay Illac.

Ayaw paawat ni Illac dahil may sagot siya sa demanda ni Angelica.

Sumumpa si Illac na patutunayan niya na nagastos ni Angelica ang pondo sa bottle school project.

Mabigat ang akusasyon ni Illac kay Angelica kaya magsasampa raw uli ito ng panibagong kaso.

Mga dating kaso ni Royette naungkat

Naungkat ang lumang kaso ni Royette Padilla sa korte dahil sa pananakit niya sa kanyang asawa.

Hindi na itinuloy ng misis ang pagsasampa ng kaso pero ang reklamo niya ang bumuhay sa old case ni Royette.

Pinuntahan ng Startalk si Royette at ang misis nito sa Pampanga. Hindi nagpainterbyu ang misis kaya ang tiya ni Royette ang humarap sa Startalk crew. Ang sey ng tiya ni Royette, mabait ang kanyang pamangkin. Hindi na raw matutuloy ang kaso dahil pinatawad na si Royette ng kanyang misis. Ipinaliwanag ng tiya na away mag-asawa ang nangyari sa kanyang mga pamangkin.

Bianca naiiyak sa pagpapasalamat

Halos maluha si Bianca King nang magpasa­lamat ito sa lahat ng televiewers dahil mataas ang ratings ng Sinner or Saint, ang afternoon drama show nila ni Dennis Trillo sa GMA 7.

May dahilan si Bianca para maging emotional dahil siya ang bidang babae sa Sinner or Saint. Matagal na naghintay si Bianca ng malaking break sa TV kaya pinahahalagahan niya nang sobra ang pagtitiwala sa kanya ng Kapuso network.

Kung doble ang happiness ni Bianca, triple ang ligaya na nararamdaman ng kanyang mga magulang dahil naging bida sa wakas sa isang teleserye ang kanilang unica hija.

Mikael tama ang Denial

Si Megan Young at hindi ang kanyang kapatid na si Lauren Young ang rumored girlfriend ni Mikael Daez kaya tama ang sinabi nito sa isang interview na masyadong bata si Lauren para sa kanya.

Maraming beses nang na-sight na magka-date sina Mikael at Megan pero maingat sila dahil iniiwasan nila na makunan ng litrato na magkasama, kapag rumarampa sila sa mall.

Malakas ang loob ni Mikael na i-deny si Lauren dahil ang ate nito ang kanyang constant date, hindi ang nakababatang kapatid.

BIANCA DAHIL ILLAC ILLAC DIAZ KANYANG MIKAEL ROYETTE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with