Ticket sa concert ni Vice 'di pa gaanong mabenta

Seen : Bumili si Kris Aquino ng tickets para sa concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum bilang suporta sa kanyang kaibigan.

Scene : Kailangang dagdagan ni Vice Ganda ang sipag sa pag-promote ng kanyang concert dahil mahina pa ang benta ng tickets.

Seen : Ang mga good morning tweet ni Ricky Rivero sa kanyang mga kaibigan. Bagong buhay si Ricky matapos ang kanyang near death experience sa kamay ni Hans Ivan Ruiz, ang lalake na inamin niya na kanyang ‘ex partner.’ Pero peke ang nasabing twitter account. Agad na nilinaw ni Ricky na : Paki kalat naman na hindi ako nagtu tweet. May gumagamt ng pangalan ko. Thanks.”

Scene : Maaksiyon at nakakakilabot ang re-enactment sa The Buzz nina Ricky Rivero at Boy Abunda sa paulit-ulit na pagsaksak ni Hans Ivan Ruiz sa actor-director.

Seen : Hindi inililihim nina Mikael Daez at Megan Young ang kanilang relasyon dahil napapadalas ang pamamasyal nila sa mall.

Scene : Pareho ang concept ng TV plug ng Artist Center ng GMA 7 at Star Magic ng ABS-CBN.

Seen : ‘Pilit’ na pinapatay ang isyu tungkol sa away nina Marian Rivera at Heart Evangelista para hindi ito makaapekto sa kanilang pelikula na ipalalabas sa mga sinehan sa July 6.

SceneTime of Your Life ang working title ng danserye ng GMA 7 na pagbibidahan nina Mark Herras at Kris Bernal.

Seen : Apektadung-apektado si Nadia Montenegro sa bagong intriga na ibinibintang sa kanyang anak.

Show comments