Kapamilya nakaka-apat na biktima na ng pananaksak

SEEN : Si Ricky Rivero ang pang-apat na talent ng ABS-CBN na biktima ng pananaksak.

Natagpuan na walang buhay noong May 2005 sa kanyang rented apartment si Ely Formaran na kilala noon bilang PR ng mga newscasters ng Kapamilya Network. August 2005 nang makita ang bangkay ni Larry Estandarte, program researcher ng ABS-CBN at November 2006 nang patayin ng isang masseur si Joel Siervo, ang executive producer ng Pinoy Dream Academy. 

 SCENE : Ligtas na si Ricky Rivero sa kapahamakan at naka-confine siya ngayon sa St. Luke’s Hospital Medical Center, Quezon City.

 SEEN : Ang report kahapon ng ABS-CBN News website: “MANILA, Philippines (2nd UPDATE) — A second unit director of the hit ABS-CBN teleserye Mula sa Puso was stabbed inside his apartment in Quezon City early Monday.

Police said former actor and now TV director Ricardo ‘Ricky’ Rivero drove himself to the East Avenue Medical Center after being stabbed 10 times inside his apartment in Masikap St., Sec V. Luna, Barangay Pinyahan, Quezon City early Monday. Rivero, 39, is now being treated at St. Luke’s Medical Center. He is accompanied by his brother and landlady.

 SCENE : Mali ang unang report ng ABS-CBN News website na dinala ni Ricky Rivero ang sarili sa East Avenue Medical Center dahil sa Philippine Heart Center nagpunta ang actor-TV director upang ipagamot ang kanyang mga sugat.

 SEEN : Nakita ang buong puwersa ng ABS-CBN, GMA 7, at TV5 news at showbiz talk show crews sa QCPD Station 10 kahapon. Inabangan nila ang pagdadala kay Hans Ivan Ruiz sa St. Luke’s Hospital upang ma-identify siya ni Ricky.

Si Hans ang suspect sa pananaksak sa actor-director.

 SCENE : Ang pagpapalaki sa balita na may ibang girlfriend si Phil Younghusband at KC ang pangalan ng babae.

Pinalalaki ang balita dahil si KC ang naglinaw na isang beses lamang sila nagkita ni Phil. Hindi na matandaan ni Phil si KC.

 SEEN : So passé at very ’80s  ang dance number ni Maricel Soriano sa surprise guesting niya sa Party Pilipinas noong Linggo.

 SCENE : Pareho ng aura sina Jun Magdangal at Mark Escueta. Si Jun ang ama ni Jolina at si Mark ang fiancé ng singer-actress. Ex-boyfriend ni Danica Sotto si Mark.

                                                                    

Show comments