Lady Gaga pinataob si Oprah bilang most powerful people ng Forbes
() - May 20, 2011 - 12:00am

Manila, Philippines - Kinabog ni Lady Gaga si Oprah Winfrey sa listahan na 100 Most Powerful People In the Entertainment Business ng Forbes magazine. Pangalawa na lang si Oprah at pang-tatlo si Justin Bieber.

Ayon sa online report ng Forbes, bukod sa kumita si Gaga ng $90 million sa kanyang monster tour, hinirang din siyang No. 1 dahil sa kanyang 32 million Facebook fans at 10 million Twitter followers na nakatulong para sa P1 million digital downloads sa kanyang single na Born This Way sa loob lang ng limang araw. At pumatok din ang MAC Make Up, Monster headphones at Virgin mobile phones na kasama sa kanyang mga music videos.

Si Justin Bieber naman pala na naging kontro­bersiyal ang concert sa bansa ay kumita ng $53 million sa loob ng isang taon - sa kanyang concert, albums at ang 3-D documentary movie niya ay 100 million ang kinita sa global box-office.

Ang 100 na kasama sa listahan ng Forbes ay binubuo ng men and women sa larangan ng pelikula, basketball, pagrampa sa catwalk at iba pa.

AYON BORN THIS WAY FACEBOOK JUSTIN BIEBER KINABOG LADY GAGA MAKE UP MOST POWERFUL PEOPLE IN THE ENTERTAINMENT BUSINESS OPRAH WINFREY SI JUSTIN BIEBER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with