Pagod at harassed nang humarap sa media, Justin may sakit nang mag-concert

Seen : Nakita ang foreign singer na si Marie Digby sa isang condo building na malapit sa ABS-CBN, hindi sa bahay ng kanyang alleged boyfriend na si Sam Milby.

Scene : Ang reklamo ni Rich Asuncion na hindi pa niya natatanggap ang cash prize na dapat ibigay sa kanya ng Bb. Pilipinas Charities Inc. bilang first runner up sa  2009 Bb. Pilipinas contest.

Seen : Ang mga haka-haka na marami pang rebelasyon si Mo Twister tungkol sa relasyon nila ni Rhian Ramos. Nagsalita si Mo na hindi pa siya handa na i-give up ang pagmamahal niya kay Rhian.

Scene : Hindi umubra ang bagyong Bebeng kay Justin Bieber dahil dinagsa ng fans ang concert nito sa Mall of Asia Concert Grounds noong Martes.

Seen : Pagod at harassed si Justin Bieber nang humarap siya sa media noong Martes dahil may sakit siya.

Scene : Sina Lea Salonga, Ruffa Gutierrez at Charlene Gon­zales sa red carpet premiere ng In The Name of Love sa SM Megamall Cinema 10 noong Martes. Sinuportahan ng tatlo ang pelikula nina Aga Muhlach at Angel Locsin.

Seen : Wala si Phil Younghusband sa premiere night ng In The Name of Love dahil nanood siya ng concert ni Justin Bieber.

Scene : Ang mga batang babae na nag-iiyakan at nagtitilian nang makita nila sa personal si Justin Bieber. Tinalbugan ng mga young audience ang adult audience sa concert ni Justin.

Show comments