Lucy sasabak na rin sa aktingan

Seen :  Ang malaking pagkakahawig ng concept ng Sapol ng Bayan ng Happy Yipee Yehey sa format ng Family Feud.

Scene : Tanggap ni Lara Quigaman ang mga kritisismo dahil nabulol siya nang maging co-host sa  Bb. Pilipinas 2011 coronation night.

Seen : Ingat na ingat si Jon Hall sa pagbibitaw ng mga dialogue niya sa Captain Bar­bell upang hindi mahalata ang kanyang thick Cebuano accent.

Seen : Ang mga encouraging at positive feedback sa bakla acting ni Iza Calzado sa I Heart You Pare. Si Iza ang ipinalit kay Regine Velasquez dahil pinagpahinga na ito ng kanyang doktor.

SCENE : My special participation si House Representative Lucy Torres sa Panday 2, ang MMFF 2011 entry ni Senator Bong Revilla, Jr. Nag-shooting na si Lucy kahapon.

SEEN : Umaasa si Arnell Ignacio na hindi mawawala sa isyu ang pangongotong sa kanya ng tatlong pulis upang hindi ito malimutan ng publiko ang traumatic experience niya.

Show comments