Rufa Mae at Arnel biktima ng pekeng bomba

- SEEN SCENE () - March 25, 2011 - 12:00am

Seen : Ang paglilinaw ni Marian Rivera na bumibili siya ng grocery items sa Rustan’s Rockwell, hindi sa Rustan’s Shangri-La Mall dahil nakatira siya sa Rockwell area.

Mali ang detractor ni Marian na nagsabi na nakita siya na namimili at nagsusuplada sa mga salesclerk ng Rustan’s Shangri-la Mall.

Scene : Sinimulan na ni Erik Santos ang recording ng kanyang OPM album.

Kailangan na ni Erik ng bagong hit song.

 Seen : Si Rap Fernandez sa Eastwood Cinema noong Miyerkules.

Pinanood ni Rap ang Catch Me...I’m In Love bilang suporta kay Gerald Anderson, ang co-star niya sa Buhawi Jack.

Scene : Ibinibenta ni Yasmien Kurdi ang kanyang GMA Network. Inc. stock shares.

Seen : Sina Rufa Mae Quinto at Arnel Pineda ang mga celebrity passenger ng PR104, ang Manila-San Francisco flight na biktima ng bomb hoax noong Martes ng gabi.

Apat na oras na stranded sa SFO airport ang mga pasahero ng PR104.

Scene : Nabulol si Pinky Webb sa pagbigkas sa salitang kahihinatnan.

Seen : Certified blockbuster ang Catch Me...I’m In Love dahil pinipilahan ito.

Scene : Hindi matanggap ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na malakas sa takilya ang pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald.

Puwede nang ipareha sa ibang aktres si Gerald.

ARNEL PINEDA BUHAWI JACK CATCH ME EASTWOOD CINEMA ERIK SANTOS GERALD ANDERSON IN LOVE KIM CHIU MANILA-SAN FRANCISCO RUSTAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with