K Brosas nagpa-HIV test!
- TALONG ANONYMOUS () - March 16, 2011 - 12:00am

TRUE : Okay na ngayon ang pakiramdam ni Iwa Moto pagkatapos niyang na-confine uli sa hospital.

Nasa taping ito ng Dwarfina nung nakaraang linggo nang biglang isinugod   sa hospital pagkatapos niyang himatayin dahil sa matinding hika.

Ayon sa doktor, kaya nagkaganun si Iwa ay dahil sa upper respiratory track infection at asthma.

Umabot pa ng 38.9 ang lagnat nito kaya hindi siya puwedeng lumabas ng hospital.

Nung nakaraang Sabado lang ito nakalabas pero nagpapahinga pa sa ngayon.

TANONG : Totoo nga bang sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na? Madalas nakikitang magkasama ang dalawa.

Nung nakaraang Linggo sa mall show ng Machete sa SM Marilao, marami ang nakakitang nandun si Kylie pero nasa isang lugar lang ito na hindi mapansin ng karamihan.

Totoo kayang hindi pa ready si Robin Padilla na makipag-boyfriend si Kylie?

TOTOO KAYANG may lihim na pagtingin itong young actress sa kanyang leading man?

Kunwari, kaibigan lang ang turing ni young actress sa guwapitong aktor na leading man niya sa isang serye pero na-develop na pala ito at sumasakit ang dibdib niya kapag nakakarinig siya ng balitang nali-link ito sa ibang babae.

Gumanda ang katawan at lalong gumuwapo si young actor kaya hindi nakapagtatakang lapitin ng mga leading ladies niya at ma-develop itong si young actress na kamag-anak pa ang isang young actress din na nali-link sa sexy at guwapong young actor.

TSIKA LANG : May mga ilang nag-react sa ipinoste ni K Brosas sa kanyang Twitter account na, “I’m proud to say nagpa-HIV test ako.”

Negative ang resulta ng naturang test kaya nai-post nito sa kanyang Twitter account.

Reaksiyon ng ibang nakabasa, bakit kailangan pa itong i-tweet ni K eh sob­rang personal na ’yun?

Paano kaya kung naging positive ang resulta, iti-twit pa kaya niya ito?

Sabi naman ni K, wala namang masama kung i-share niya ’yun sa kanyang Twitter account.

Dagdag pa niyang pahayag, dapat talagang magpa-HIV test tayo kahit hindi ka pa sexually active.

ALJUR ABRENICA AYON DAGDAG DWARFINA IWA MOTO K BROSAS KYLIE PADILLA NUNG ROBIN PADILLA TOTOO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with