Nag-uulyanin na, Character actor dalawang beses nang nagkamali ng pupuntahang taping
- TALONG ANONYMOUS () - March 10, 2011 - 12:00am

TRUE: Bukas ay pormal nang ipa-file ni Jobert Sucaldito ang kasong isasampa laban kay John Lapus.

Pagkatapos magsampa ni John ng demanda laban kay Jobert, nagsa­lita na rin ang huli na magdedemanda rin siya ng kasong Rep. Act 9262 o Violence Against Women and Children dahil sa dinamay ang anak nito nung nagsalita ito sa kanyang programa.

Pero ang latest na narinig namin, hindi na ito ang ikakaso niya sa TV host. Malalaman na lang bukas pagdating niya sa piskalya ng QC-RTC.

TANONG: Si Marian Rivera na nga ba talaga ang leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Panday 2 na entry sa Metro Manila Film Festival?

Nakausap namin si Marian at sinabi niyang okay na sila ng manager niyang si Popoy Caritativo pero meron lang siyang kondisyon na hiningi na sana ay pagbigyan sila.

Ayaw naman munang mag-comment ni Sen. Bong tungkol dito dahil mabuting manggagaling na sa GMA Films ang announcement kung sino na talaga ang leading lady niya sa malaking proyektong gagawin.

TOTOO KAYANG dala na rin ng katandaan kaya nagiging makakalimutin na ang magaling na character actor?

Nakakaloka itong nangyari sa kanya nang dumating ito sa set ng tini-tape na isang soap opera ng TV5.

Pagdating ni character actor, super tsika siya sa mga artistang nandun. Nagkuwento pa siya na minsan ay nagkamali siya ng set na pinuntahan. Akala niya ’yun na ang soap na kung saan kasali siya, pero hindi pala. Nasa ibang set pala ito na malapit lang sa location na unang pinuntahan niya.

Nang tumawag na ang staff na mag-take na, nag-alisan na ang mga artistang katsikahan niya at siya na lang ang naiwan.

Nilapitan nito ang isang staff at hinanap na ang script niya, nagtaka ang staff dahil hindi naman pala siya kasali.

Ayun, nagkamali na naman siya ng set na pinuntahan! Naulit na naman ang una niyang karanasan na naligaw siya ng location dahil nasa iisang lugar lamang pala ’yun.

Hindi naman katandaan ang character actor na ito pero nakakaloka na dalawang beses na siyang nagkamali ng set na pinuntahan. Mabuti sana kung nasa iisang network lang ito, pero magkalaban pa naman at katapat pa ng ser­yeng tini-tape niya.

TSIKA LANG: Sa press launch ng PLDT MyDSL na ini-endorse ni Rhian Ramos, sinabi na nitong “exclusively dating” sila ni Mo Twister.

Hanggang panliligaw pa rin si Mo at mukhang willing naman itong maghintay.

Aminado siyang isa si Mo sa nag-i-inspire sa kanya sa pagtrabaho, pero nilinaw niyang priority pa rin niya ang kanyang pamilya, trabaho, at huli na ang love life.

BONG REVILLA JOBERT SUCALDITO JOHN LAPUS MARIAN RIVERA METRO MANILA FILM FESTIVAL MO TWISTER NAMAN NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with