Dennis ayaw mag-comment sa pagbubuntis ng ex
- TALONG ANONYMOUS () - March 8, 2011 - 12:00am

TRUE: Ayaw nang magbigay ni Dennis Trillo ng komento tungkol sa pagbubuntis ni Carlene Aguilar at ang pagkakaroon ng kapatid ng anak nilang si Calix.

Hindi pa sila nagkausap ni Carlene pero naikuwento na ito sa kanya ng kanyang kapatid.

Hindi naman ito isyu kay Dennis dahil kasal naman si Carlene kay Yo Ocampo at buhay naman nila ’yun.

TANONG : Mga fans nga kaya ni Angel Locsin ang gumugulo ngayon sa anak ni Melissa Mendez na si Denisse Oca na na-link din kay Phil Younghusband?

Mula sa keannalicious chaka khan, “Wawasakin ko mukha mo...’wag mo kaming galitin mga fans ni ANGEL LOCSIN ha..u r a starlet ..unknown.”

Ang duda ni Denisse, may mga gumawa ng fake accounts para guluhin lang siya.

Hindi na nakipag-away si Denisse, pero sinagot pa rin niya ang mga ito ng: “I have nothing against Angel Locsin, and I wish her and Phil all the best. Please leave me out of this issue. Thanks.”

TOTOO KAYANG isa sa mga araw na ito ay aamin na ang kilalang magkasintahang taga-showbiz na engaged na sila?

Ikinuwento lamang ito sa amin ng isang kaibigan na blind item din at hindi niya talaga binanggit ang pangalan ng kilalang showbiz personality.

Nangako sila kay Korina Sanchez na magpapa-interview sila para doon aminin ang tungkol sa engagement at kung kailan na ang kasalan.

Abangan na lang natin!

TSIKA LANG : Nagkatrapik-trapik sa may GMA 7 avenue kamakalawa ng hapon sa rami ng mga fans na naghihintay sa hit na hit na P-Pop o Pinoy Pop group na XLR8.

Ang lakas pala ng grupong ito ng mga guwapong bagets na binuo ng Viva.

Ganun lagi pagkatapos ng Party Pilipinas na parang fans day nitong XLR8 sa rami ng mga fans na gusto silang makita at ang iba ay may mga dala pang regalo para sa dance group.

Mapapatunayan ang init ng grupo sa kanilang concert sa April 1, ang P-Pop Explosion na gaganapin sa Aliw Theater.

Kasama nila rito ang dalawa pang grupong binuo ng Viva na Pop Girls at RPM.

ALIW THEATER ANGEL LOCSIN CARLENE CARLENE AGUILAR DENISSE DENISSE OCA DENNIS TRILLO KORINA SANCHEZ MELISSA MENDEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with