Kris inayawan, Mayor Binay may ibang babae na
- TALONG ANONYMOUS () - March 1, 2011 - 12:00am

TRUE : Ibinuking ni Kris Aquino na may ibang girl na dini-date ngayon si Makati Mayor Junjun Binay.

Sa launch ng bagong pabango nito sa Bench na Freedom, muling nilinaw ni Kris na talagang walang espesyal na pagtitinginang namagitan sa kanila ni Mayor Junjun.

Close friends lang daw talaga sila at walang romantic na relasyon dahil sa ibang girl naman daw nagkakainteres si Mayor Binay.

Hindi na raw pinapansin ni Kris ang ganitong intriga, pero si Mayor Junjun daw ay apektado dahil hindi naman ito sanay sa intriga sa showbiz.

TANONG : Totoo kayang na-stroke daw si Mr. Freddie M. Garcia nung nakaraang linggo habang nagpapa-audition sila sa Pasig para sa Pilipinas Got Talent

Ayon sa nasagap naming balita, hindi na raw tinapos ni Mr. Garcia ang naturang audition dahil isinugod na ito sa hospital.

Naparami raw ito ng kain ng alimango at sugpo kaya malamang na tumaas ang blood pressure nito.

Ngayon ay okay na raw si FMG at bumalik na sa PGT pagkatapos niyang ma-confine sa hospital ng ilang araw.

TOTOO KAYANG sa lahat na mga artistang sumali sa parada ng Panagbenga Festival kamakalawa ay si Enchong Dee ang sobrang pinagkaguluhan?

 Ayon sa aming source, ang dami pang sumali na mga nagla­lakihang artista sa nasabing parada pero nang makita raw ng mga tao si Enchong, nagkagulo raw ang lahat at tinalbugan ang iba pang artistang kasali.

 Ang pagkakaalam namin, ilan sa mga sumali sa parada sina Sam Milby at ang cast ng Sabel.

TSIKA LANG : Si Iza Calzado ang isa sa mga close friends ni Sunshine Dizon na dumalo sa baby shower nito kamakailan lang.

 Nagulat daw si Iza nang nakita si Sunshine na sobrang laki na ng tiyan. Pero nakita raw niyang masayang-masaya ang aktres kaya masaya na rin siya para sa kaibigan.

Kapag pinupuna raw ni Iza ang malaking tiyan ni Sunshine, sinasabihan daw  nito ang aktres na huwag siyang mag-alala dahil magiging ganun din daw ito kapag mag-asawa na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si Atticus King.

ATTICUS KING AYON DAW ENCHONG DEE FREDDIE M IZA IZA CALZADO JUNJUN BINAY MAYOR JUNJUN RAW
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with