Dwarfina mahal na si Dennis

MANILA, Philippines - Gagamiting dahilan ni Elvin ang selos ni Dwarfina (Heart Evangelista) para kumbinsihin siyang hindi sila nababagay ni Lyndon (Dennis Trillo) dahil hindi sila magkauri. Pero hindi maaalis ni Dwarfina sa sarili ang mahalin si Lyndon. Hihikayatin siya ni Dwenkikay (Rufa Mae Quinto) na bumalik sa Dwendisitas para bumili ng love potion kay Dwenstein.

Samantala, mahihikayat naman nina Chloe at Estong si Lyndon na tanggapin na ang alok ni Lucille na magmodelo, at gagamitin nila ang kikitain mula dito para palaguin ang negosyong junkshop. Tutuksuhin pa nila si Lyndon na kaya ito inaalok ni Lucille ng trabaho ay dahil may gusto ito sa kanya, pero para kay Lyndon, professional lamang ang kanilang relationship.

Sa mundo naman ng mga duwende, makikita ni Nuno Umberto ang isang duwende na pumapasok sa gubat ng kadiliman na siyang mahigpit na ipinagbabawal. Susundan niya ang duwende kahit hindi niya ito makikilala, malalaman niyang sina Romera at Hulyano ang sinasadya nito roon. Agad na ipapaalam ni Umberto kina Calixto at Abiana ang lahat. Kakabahan naman si Gwendina, kailangan niyang ilayo sa sarili niya ang hinala ng mga duwende sa palasyo.

Pagdating nila Dwarfina at Dwenkikay sa Dwendesitas, makikita nilang kinakalaban ni Dwenstein ang isang malaking langgam! Nakaimbento pala si Dwenstein ng growing potion, at dito na magiging interesado si Dwarfina. Ipagpapalit niya ang espada niyang gawa ni Kardo para makuha ang growing potion at gamitin para makilala si Lyndon.

Show comments