Party Pilipinas nagtatanong, 'sankapa?!'

MANILA, Philippines –  Nakahanda na naman ang mga top Kapuso stars sa mga exciting na production numbers ngayong Linggo sa Party Pilipinas with Sankapa?! episode.

Mangunguna sa opening number sina Regine Velasquez, Jaya, Rachelle Ann Go, Frencheska Farr, Kyla, at La Diva kasama sina Mark Bautista, Kris Lawrence, at XLR8.

Dance showdown naman sa Sayaw Pilipinas segment sina Iza Calzado, Heart Evangelista, Mark Herras, Carla Abellana, Bianca King, Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez, at Geneva Cruz sa saliw ng five-time Grammy winner na si Janet Jackson.

May handog din ang mga rockers na sina Reg Rubio, Marc Abaya, Hannah Romawac-Olives, at Kat Agarrado.

 Magpapakitang-gilas naman ang hiphop heavyweights na sina Mike Swift at Elmo Ma­galona kasama sina Jay Perillo, Marc, at Janno Gibbs.

Ang birthday girl na si Glaiza De Castro ang bida sa Kuwento Ko Sayaw Ko.

Birthday boy naman si Raymond Gutierrez at may special song number siya para sa mga viewers. Sasamahan siya nina Andi 9, KC Montero, Geoff Eigenmann, at Tim Yap.

 Sankapa?! ay idinidirek ni Rico Gutierrez at mapapanood pagkatapos ng Kapuso Movie Festival sa GMA 7.

Show comments