Cesar malapit nang ma-expire ang contract sa GMA

Seen : Ang libu-libong deboto ng Poong Nazareno na dumayo kahapon sa simbahan ng Quiapo. Ngayon ang kapistahan ng patron saint ng Quiapo Church kaya inaasahan ang matinding trapik sa Quiapo area. Kilalang deboto ng Poong Nazareno si dating Vice President Noli de Castro.

Scene : Bagay na magkarelasyon sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann dahil parehong patula ang kanilang pagsasalita.

Seen : Sina Frencheska Farr at Rocco Nacino ang mga artista ng GMA Network na ibi-build up nang husto ngayong 2011.

Scene : Gawa sa France ang Hayden perfumes at may kinalaman ito sa desisyon ni Hayden Kho, Jr. na mag-enroll sa French class.

Seen : Nagbabakasyon sa Pilipinas si Cindy Kurleto at ang kanyang baby girl. Dating nag-aartista si Cindy at ex-girlfriend siya ni Jericho Rosales.

Scene : Isang taon lamang ang network contract ni Cesar Montano sa GMA 7 at matatapos ito sa July 2011.

Seen : Tatlo ang boyfriend ni Rejoice Rivera, ang member ng Baywalk Bodies na pinaslang noong Disyembre. Nag-deny ang mga boyfriend ni Rejoice na may alam sila sa pagpatay sa kanilang girlfriend.

Scene : Ang balita na sabay-sabay na idaraos ang victory party ng Ang Tanging Ina Mo, Dalaw at RPG Metanoia. Maganda ang box-office results ng mga pelikula na isinali ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

Show comments