^

Say ni Luis kay Anne, 'All time love ko, my one true soul mate'

- Veronica R. Samio () - December 24, 2010 - 12:00am

Hindi naman lingid sa lahat na may binitiwang sumpa sa isa’t isa sina Luis Manzano at Anne Curtis na kapag dumating sila sa isang panahon ng kanilang buhay na pareho pa silang walang nakikitang gusto nitong makasama sa buhay, silang dalawa ang mag­pa­pakasal. At the time na binitawan nila ang pangakong ‘yun ay wala pa silang karelasyon bagaman at marami ang nag-aakalang what they saw in them was what they were supposed to believe.

Pero hindi, both went their separate ways, maintained their friendships and supported each other maski na sa panahong may kanya-kanya na silang lovelife. Si Anne for a while ay pinasaya ni Sam Milby. Sa kasalukuyan, kulay rosas ang mundo niya sa piling ni Erwan Heussaff.

Akala ng lahat sina Luis at Angel Locsin na! Even Mama Vi (Santos), thought they were it. She even considers Angel her favorite among Luis’ girl­friends. Pero nag-break din sila. Nagbalikan at pag­katapos ay naghiwalay na naman, sa isang napa­ka-kontrobersiyal na paghihiwalay na inamin ni Luis na siya ang may kasalanan. Ngayon everyone is hopeful na may mangyaring maganda sa kanila ni Alodia Gosiengfiao, ka-trabaho niya sa isang programa. At kahit anong pagtanggi ang gawin niya sa hinihinalang relasyon nila ng bago at magandang TV host, mas gustong paniwalaan ng lahat na may kapalit na si Angel sa puso niya.

Even with Anne’s proclamation na happy siya sa piling ni Erwan, parang ang mga pangyayari ay umaayon sa muling pagkakalapit nila ni Luis. Una may ginagawa silang pelikula na magkasama, ang Who’s That Girl na may early 2011 release. Lahat ng kasamahan nila sa pelikula ay nagsasabing sobrang saya sa set ng dalawa, silang lahat ay nahahawa na sa saya at kakulitan ng dalawa. Para silang long lost friends na nagkita matapos ang matagal na pagkakawalay.

“Si Anne lamang ang consistent sa buhay ko bukod sa aking pamilya. Gusto ko lang makita na masaya siya palagi. At kung maari sana gusto kong ako ang magpasaya sa kanya. Siya ang all time love ko, my one true soul mate,” sabi ni Luis.

*    *    *

Kung napukaw ng Mara Clara noon ang puso ng pamilyang Pinoy, walang pinagkaiba ang makabagong Mara Clara dahil tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng naturang primetime series sa ABS-CBN sa nationwide ratings. Ayon sa pinakahuling nationwide ratings result ng Kantar Media, nagkamit ito ng 28.7% na rating.

Samantala, painit nang painit ang alitan nina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes). Mas marami pa ang nadadamay sa away ng dalawa. Pagsasabihan ni Vanessa (Cherry Lou) si Christian (Albe Casino) na layu­an si Mara. Susundin ba siya ng binata?

ALBE CASINO ALODIA GOSIENGFIAO ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS CHERRY LOU ERWAN HEUSSAFF LUIS MARA CLARA SI ANNE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with