Bigating cash prizes at giveaways ipamimigay sa finale ng Press it, Win it

MANILA, Philippines –  Ngayong Biyernes, bigating papremyo at giveaways ang ipamimigay sa finale episode ng interactive at trivia-based game show ng GMA Network, ang Suwerteng-suwerte sa Siyete: Press It, Win It!.

Mahigit limang milyong piso ang napamigay ng programa - 25 loyal Kapuso viewers na ang masuwerteng nagwagi ng naglalakihang papremyo at bonus giveaways mula sa generous sponsors ng programa.

Ngayong gabi, walong contestants mula sa apat na regions ang magtutunggali upang maiuwi ang half a million pesos na jackpot prize.

Mas lalong lumaki ang tsansa ng mga contestant na makuha ang pot money dahil mga easy trivia question na ang itinatanong ng multi-talented host na si Joey de Leon.

Show comments