Mariel hindi nagmamadaling magkaanak

Dumating na from India ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na kung saan nag-shoot sila ng isang movie right after their most controversial wedding na dun din ginanap sa nasabing bansa. Maraming projects na naghihintay sa mag-asawa.

Inaasahang babalikan ni Mariel ang kanyang trabaho sa TV. Naghihintay na sa kanya ang E Live although wala pang balita kung babalikan din niya ang Pilipinas Win na Win.

Pero si Robin will wrap up works ng kanilang movie. Ito ang pagtutuunan niya ng pansin bago pa niya isipin ang nakatakdang proyekto with Bea Alonzo. Mas gusto niyang tapos na tapos na ang pelikula bago siya gumawa ng iba.

Samantala, natawa na lamang si Mariel nang tanungin kung totoong sila ’yung naba-blind item na hindi na lumalabas ng kuwarto at kung lalabas man sila ay tanghali na kaya medyo delayed ang completion ng kanilang pelikula. Sinabi nito na kahit nasa kuwarto sila at dapat nagpapahinga na ay ang pelikula pa rin ang pinagkakaabalahan nilang dalawa.

“Masyadong passionate si Robin sa kanyang trabaho, gusto niya na pag-resume ng trabaho the next day ay handang-handa na siya at plantsado na ang lahat. Alam na ang gagawin kaya napupuyat ito (kami) dahil hindi ko naman siya maiwang gising. Kailangang samahan ko siya sa pag-iisip ng mga susunod naming trabaho,” sabi ng brand new bride.

Bakit ba kasi kailangang intrigahin pa ang pagi-stay nila sa room ng matagal na ipinaliwanag niyang dulot ng trabaho? ’Wag nating kalilimutan na nasa honey­moon stage pa rin sila ni Binoe.

Nagmamadali ba silang magkaanak?

“Naku, hindi! Pinag-usapan nga namin na mag-enjoy muna ang isa’t isa, saka na ang pagkakaroon ng baby. We’re not in a hurry to have kids pero siyempre nasa agenda namin ito, pero hindi pa ngayon,” sagot ni Mariel na hiyang sa pag-aasawa.

* * *

O eh lumabas din ang totoo. Dahil kay Rayver Cruz, umaming nagkakailangan kapag nagkikita sa ASAP sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Wala namang inaamin ang dalawa na nagkaroon sila ng relasyon sa aktor, in the past sa panig ni Sarah.

Tuloy panay ang pagtatampo ng mga maka-Zanjoe Marudo dahil wala na silang dalawa ni Cristine sa serye, lost na rin ’yung kinakiligang Zanjoe/Cristine romance. Kay Rayver na bilang Lance nakatuon ang eksena, sa kanyang panliligaw kay Jewel (Cristine) na alam mong kay Jaime (Zanjoe) rin mauuwi dahil hindi pala sila magkapatid ni Jewel.

Show comments