Steph napansin sa malaysia

MANILA, Philippines –  Dahil may taas na 5’8”, slim, at maganda ang hitsura, hindi nagtagal ay napansin sa modeling world si Steph Henares.

Gumawa siya ng pangalan matapos mapansin sa 2008 Asian Supermodel at mapasama sa Top 10 Supermodel. Ang pinakahuli niyang sinalihan ay ang IMF ’10 Fashion Show sa Malaysia.

Masaya at ipinagmamalaki ng inang si Ida Henares, head ng GMA Artist Center (GMAAC), si Steph.

“The fact that she was the only Filipina who made that walk in that prestigious fashion occasion and got really recognized for her efforts and mere presence is something to be proud of,” sabi ni Ms. Ida.

Bukod sa pagmo-modelo, nakailang proyekto na rin sa entertainment circuit si Steph. Isa siya sa mga kinuhang Watchpad Ambassadors ng PLDT. Naging video jockey sa QTV bago nakuhang host ng Animax Channel sa Singapore. Nakapag-anchor na rin siya ng isang magazine show, ang X-Life, at naging nominado bilang best lifestyle show host kasama ang co-anchor na si Gino dela Peña sa PMPC Awards.

Nang matanong ang GMAAC talent sa mga hinahangaan niyang Hollywood stars na magaling ang fashion sense, binanggit ni Steph sina Mary Kate, Ashley Olsen, at Sienna Miller.

Sa sariling istilo, hindi mawawala kay Steph ang boots, fit na pants, mga sapatos na strappy o may four-inch heels, at mga top shirts na magaganda ang bagsak sa katawan maluwag man o masikip.

Show comments