Kris abala sa non-showbiz dyowa

Dapat dobleng pag-iingat ang gawin ng mga bumubuo ng progra­mang Showtime ng ABS-CBN dahil inamin mismo ni Chairman Con­so­liza Laguardia ng Movie & Television Re­view and Classification Board (MTRCB) na binaban­tayan nila ng hus­to ang programa.

May kuwento kung bakit sila naghihigpit – ito ay nang mag-guest si Rosanna Roces sa na­­sabing programa at mag­salita ng hindi ma­ganda tungkol sa mga guro. Nag­silbi itong dahilan para bigyan ng opi­sina niya ng sus­pensiyon ang Show­time na kinontra ng ABS-CBN na sa kalaunan ay napanalunan ng Show­time ang kaso.

Sa kanyang pagbi­sita sa programang Pa­pa­razzi ng TV5, pina­pag-ingat ni Chair­man Laguar­dia ang unevic­table judge na si Vice Ganda dahil may mga binibitiwan itong mga salita na may dou­ble meaning o may ibang kahulugan.

* * *

Kaya naman pala madaling naka-move on si Kris Bernal sa naging paghihiwalay ng loveteam nila ni Aljur Abrenica dahil mayroon na siyang boyfriend. Non-showbiz ito at balitang lokong-loko sa kanya. Eh, bakit naman hindi eh, napaka-sweet naman ng aktres at siguro natuto sa naging relas­yon nila ng ka-loveteam kung kaya very protective ito sa kanilang relasyon ng boyfriend and keeps their relationship very, very private.

Kararating lang ni Kris mula sa kanyang bakas­yon sa US pero agad ay may dinatnan siyang project from GMA, isang serye na kung saan ay ga­ganap siyang isang Koreana, titulo rin ng nasabing serye. 

* * *

Umatras na nang umatras ang araw ng pagbi­bigay ng pagkilala ng ilang awards giving bodies, sa musika sa panig ng mga taga-PMPC at sa mga artista sa pelikula para naman sa mga taga-Famas.

Ang mahirap na ekonomiya ng bansa ang pangunahing sanhi ng pagkakaurong ng dala­wang awards nights na medyo may kahirapang bigyan ng kaganapan.

Ang Famas Awards ay magaganap na sa bu­wan ng Nobyembre, sa ika-19 sa GSIS Auditorium, Macapagal Blvd., Pasay City.

Ang 2nd PMPC Star Awards for Music ay sa Ling­go na, Oktubre 10, sa Lee Irwin Theater ng Ateneo sa Katipunan.

Katulad ng ginaganap na Movies at TV Star Awards, pinagbubuhusan ng mga taga-PMPC na binubuo ng mga entertainment writers ng ma­habang panahon at masusing pagpili ng mga natatanging singers, bands at record producers na gumawa at nagprodyus ng mga ma­ga­gandang album ng nakaraang taon. Ina­asahan na katulad nung unang Star Awards for Music, magi­ging ma­saya, matagumpay, ma­kulay at star-studded din ang gaganaping awards night nila sa Linggo.

Show comments