Langit wakas na ngayong araw

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes, September 17, bago mag-24 Oras sa GMA Telebabad, ma­tutunghayan ang madamdamin at kapana-panabik na huling paglalakbay ng ori­ginal drama series ng GMA 7, ang Langit Sa Piling Mo na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Mark Herras.

Pagkatapos ng kanyang mahaba at puspusang paghahanap, nakasama na muli ni Marj (Heart Evangelista) ang kanyang dalawang kapatid na sina Candy (Ryza Cenon) at Felix (Jay Aquitania).

Napagpasyahan ni Candy na ituloy ang kanyang pagbubuntis sa kabila ng nangyari kay Stanley (Tonton Gutierrez), habang pinangako naman ni Felix na ‘di na nito babalikan ang dati niyang pamumuhay.

Samantala, pagkatapos ng engrandeng airport wedding nina Marj at Rigo, tutulak sila kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan papuntang Macau upang magbakasyon nang sama-sama.

Wala silang kamalay-malay na nakapuslit pala papasok sa eroplano si Aurora (Katrina Halili) na nagpanggap bilang isang flight attendant. Dahil unti-unti na itong nawawala sa kaniyang sarili, plano ni Aurora na patayin ang sinumang ha­had­lang sa kaniyang maitim na binabalak.

Sa huling pagkakataon, magtagumpay na kaya si Aurora na paghiwalayin sina Marj at Rigo? Marating pa kaya nila ang kanilang mga pangarap sa piling ng isa’t isa?

Sa programang ito na-develop sina Daniel at Heart.

Show comments