'Naloka ako dahil with matching photo ang fake na Twitter at FB ko'
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - September 8, 2010 - 12:00am

Very promising ang mga bagets na members ng Kapuso Tween Stars. Sila ang mga bagets na pormal na ipinakilala kahapon ng GMA 7 sa entertainment press at mapapanood sa future shows ng Kapuso channel.

Mga members ng Tween Stars sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Bea Binene, Krystal Reyes, Louise delos Reyes, Kierulf Raboy, Lexi Fernandez, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio.

Mga talented ang Tween Stars at hindi nagkamali ang GMA 7 na bigyan sila ng malaking break sa TV. Subok na ang husay nina Barbie, Joshua, Bea, at Jake sa pag-arte. Sila rin ang may malawak na karanasan sa grupo kaya sila ang magsisilbing mga poste ng Tween Stars.

* * *

Matagal nang lumabas ng ospital si Kim Atienza. Bonding with his family ang focus ngayon ni Kuya Kim na nagkaroon noon ng mild stroke at na-realize na health is wealth.

Malamang na magkita kami ng kuya ng bayan kung sasama siya sa meeting namin ng kanyang ama, si former DENR Secretary Lito Atienza. Matagal na kaming hindi nagtsitsikahan ni Papa Lito kaya looking forward ako sa aming pagkikita.

Sure ako na maraming comment si Papa Lito sa mga nangyari sa Quirino Grandstand noong Aug. 23.

* * *

Hindi ako makapaniwala sa isang hot showbiz news na narinig ko dahil mga kila­lang artista ang sangkot.

Ayokong paniwalaan ang tsismis hangga’t hindi nagsasalita ang mga involved na artista. Pinag-uusapan sa lahat ng sulok ng showbiz ang nakakalokang tsismis kaya imposibleng hindi nakarating sa mga concerned stars.

Mahirap nang makontrol ang tsismis dahil kalat na ito sa Internet at pinag-uusapan na rin sa mga TV at radio program. Hintayin na lang natin ang denial ng mga starring sa nakakaloka at parang unbelievable na balita.

* * *

Mga concert produ na rin ang mga members ng Wednesday Club dahil sila ang may pakulo sa Major Major Show (Ang Bonggang-Bonggang Beauty Pageant) na itatanghal sa Zirkoh, Tomas Morato Avenue, QC sa darating na Sabado, Sept. 11.

Makisaya, makitawa, at makipagkabugan ng ganda sa pinakamalaki at pinakapabolosong beauty pageant sa live comedy circuit, ang imbitasyon at pralala ng Wednesday Club.

Pangungunahan ng mga batikang komedyanteng sina John “Sweet” Lapus at Phillip Lazaro bilang hosts, anim na bigating komedyante ang mag-ookrayan at magpapatalbugan ng talento at pagrampa para sa minimithing korona ng Miss 9/11 2010.

Ang anim na kuwelang kandidata ay sina Teri Onor, Ate Gay, Kim Idol, Petite, Michelle, at Angel, na isa-isang sasabak sa talent, swimsuit, evening gown, at question and answer portions na mala-Miss Universe ang drama.

Siyempre, may mga guests na susulpot para mas lalong pasayahin ang gabi, gaya nina Elmo Magalona (opening number), Dennis Trillo, na haha­ranahin ang anim na finalists, Julia Clarete, na may solo spot number, Daiana Meneses at iba pang surprise guests.

 Si Shivaker, a.k.a. Sam YG, ang isa sa mga juror kasama ang ilan pang big-name celebrity judges. Mabibili ang ticket sa halagang P500 sa Zirkoh T. Morato entrance o kaya’y mag-text o tumawag lamang sa 0918-4074172/0916-7678553.

* * *

Nakita ko na rin kahapon sa wakas ang aking fake na Facebook account. Ipinakita sa akin ni Shirley Pizarro ang pekeng Lolit Solis account at naloka ako dahil with matching photo ito.

Nag-alala ako nang makita ko ang fake FB account dahil baka gamitin ito sa paninira ng mga tao na may maiitim na kalooban. Maiitim daw o!

Hindi ko pinangarap na magkaroon ng kaaway o demanda dahil sa mga iresponsable na gumagamit sa aking pangalan para makapangloko sila.

May balak ako na i-announce sa aking mga radio program sa dzBB at dzMM, pati na sa Startalk ang pekeng Facebook account para maging aware ang mga tao na hindi ako ‘yon!

AKO ANG BONGGANG-BONGGANG BEAUTY PAGEANT ATE GAY BARBIE FORTEZA BEA BINENE PAPA LITO TWEEN STARS WEDNESDAY CLUB
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with