America's Best Dance Crew pahigpitan ng labanan

MANILA, Philippines - Ang America’s Best Dance Crew ay isang reality show kung saan ang iba’t ibang dance crews mula sa buong US ay nagso-showcase ng kani-kanilang mga talento at naglalaban-laban para sa US$100,000 na grand prize.

Linggu-linggo sa Solar TV, ang mga dance crews ay may bagong challenge para sa bawat grupo pero iisa lamang ang pang­kalahatang concept.

Simula pa noong first sea­son, ang winning crews ay nakakatanggap ng Golden B-Boy Tro­phy, isang golden statue ni B-Boy doing a freeze, na ang mga binti ay gu­magalaw na waring nag­ba-bobblehead. Ang isa pang unique aspect ng ABDC ay ang crew ban­ner. Ang logo sa bawat banner ay kinakatawan ang crew, na nasa mga merchandise din at nasa background para sa mga interviews, at ginagamit din ito sa mga transition efforts. Kapag na-elimi­nate ang isang crew, ang banner nito ay nalalaglag mula sa itaas ng stadium kung saan mananatili ang mga banners ng mga crews na still in the run­ning.

Ang na-eliminate na crew ay magsasayaw ng kanilang dance number one last time on the stage as they walk it out to the song of the same name.

Kapag ang isang crew ay na-eliminate mula sa fifth place mark (sixth sa seasons 1-4), sila ay na­ka­­katanggap ng com­pi­lation video na nagpa­pakita sa kanilang mga performances sa buong ABDC show.

Show comments