Venus Raj, no. 1 pa rin sa Miss U poll
- SEEN SCENE () - August 17, 2010 - 12:00am

Seen : Hindi na dapat masundan ang pagpa­pa-interview ni Makati City Mayor Junjun Binay tungkol sa mga tsismis sa kanila ni Kris Aqui­no bilang paggalang kay James Yap. On-going ang annulment case nina Kris at James. Karapatan ni Mayor Binay na huwag magpagamit sa mga isyu na wala siyang direktang kinalaman.

Scene : Hindi pabor si Marian Rivera sa pag­sali sa Survivor Philippines ng kanyang ex-boy­friend na si Ervic Vijandre. Mahigit sa pitong taon ang itinagal ng relasyon nina Marian at Ervic.

Seen : Nangunguna pa rin sa Miss Universe poll si Venus Raj. Nakikiusap si Miss USA Rima Fakih na iboto siya dahil pababa ang kanyang rating sa Miss Universe pageant.

Scene : Ang denial na magpapaalam sa ere ang Simply KC dahil sa mababang rating ng pang-uma­gang show ni KC Concepcion. One season lang ang kontrata ng Simply KC sa ABS-CBN.

Seen : Catalina ang pangalan ng unang apo nina Michael de Mesa at Gina Alajar. Si Catalina ang panganay na anak nina Ryan Eigenmann at Cathy Bordalba.

Scene : Ang plano na salubungin sa NAIA nina Claudine Barretto at Anne Curtis si Richard Gutierrez sa pagbabalik-bansa nito bukas. Mahigit isang buwan na nawala sa Pilipinas ang lead actor ng In Your Eyes.

Seen : Over-whelmed si Anne Curtis dahil sa mga positive feedback sa kanyang acting sa In Your Eyes.

Scene : Indefinite ang leave ni Kim Atienza sa kanyang mga TV show dahil sa doctors advice na magpahinga siya nang matagal. Pinaha­halagahan na ni Kim ang kanyang kalusugan.

ANNE CURTIS CATHY BORDALBA CLAUDINE BARRETTO ERVIC VIJANDRE GINA ALAJAR IN YOUR EYES JAMES YAP KIM ATIENZA KRIS AQUI MISS UNIVERSE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with