Robin unang naangkin ni AiAi bago napunta kay Mariel

Seen : Si Monique Lhuilier ang gumawa ng wedding gown ni Lea Salonga. Si Monique din ang designer ng bridal gown ni Regine Velasquez.

Scene : Next month pa ipalalabas sa TV5 ang Inday Wanda dahil inaayos ang special effects ng show. Ang Inday Wanda ang sitcom nina Eugene Domingo at Ariel Rivera sa TV5.

Seen : Bitin pa rin ang mga episode ng Love ni Mister, Love ni Misis dahil nag-iimbita sila ng maraming mga bisita ngunit maigsi ang oras ng kanilang programa.

Scene : Pangit sa pandinig ang paggamit sa salitang atat ni ABS-CBN reporter RG Cruz sa kanyang pag-uulat sa Bandila.

Seen : Parehong talent ng Backroom Inc. sina AiAi delas Alas at Mariel Rodriguez. Puwedeng-puwedeng magsalita si AiAi kay Mariel ng “Una siyang naging akin...”

Scene : Ngayon ang huling gabi ng Rubi. Hindi mapapanood ni Angelica Panganiban ang pagwa­wakas ng kanyang show dahil may show siya sa Amerika. 

SEEN : Monday to Saturday ang airing ng Asar Talo. Palaging Panalo, ang game show ni Edu Manzano ang itatapat ng GMA 7 sa Showtime ng ABS CBN.

Show comments