Korean version ng Pangako ni Ogie, na-pirate

Seen : Hindi dapat i-link si Kris Aquino kay Senator Chiz Escudero. Maligaya si Senator Chiz sa piling ng kanyang asawa at kambal na anak.

Scene : Ang pirated Korean version ng Pa­nga­ko ni Ogie Alcasid na mapapanood sa Youtube. Ikinalungkot ni Ogie ang pamimirata sa kanyang original composition.

Seen : Ngayong gabi ang red carpet pre­mie­re ng Cinco sa Cinema 10 ng SM Megamall. Ang Cinco ang horror movie ng Star Cinema na nilikha ng limang direktor.

Scene : Nabawasan ang interes ng mga tao sa love story nina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz nang aminin nila ang kanilang relas­yon.

Seen : Pababa na ang puwesto ng single ni Charice sa Billboard Chart. Kailangan ni Cha­rice ng bagong hit song upang hindi siya ma­wala sa international music scene.

Scene : Si Leo Martinez ang unang Filipino stage actor na nagpakita ng hubad na katawan sa Equus noong 1976.

Seen : Ang dating aktor na si William Thio sa Centennial 2 Airport. Talent na si William ng NBN 4 at isinuot niya agad ang kanyang ID nang du­­mating siya kahapon sa airport. Naghu­humiyaw din ang media sticker na nakalagay sa maleta ni William.

Scene : Kahapon ang unang araw ni Ricky Ca­­ran­dang bilang communications head ng administrasyon ni P-Noy. Naninibago si Ricky sa unang araw niya sa Malacañang Palace.

Show comments