Eureka 3 pinakabonggang SYFY sa Solar TV

MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga fans ng Eureka. Waring ga­nun pa rin ang maliit na bayan pero lalong lumalaki ang mga mabubulgar nitong mga sikreto sa pagbabalik ng Eureka sa kanilang Season 3.

Ang kanyang mga highly bril­liant scientists ay balik-kayod nga kaya’t napakaraming mangyayaring pagbabago na ang iba’y hindi kasiya-siya. Kung kaya medyo may magaganap na tension sa genius town.

Sa Season 3 ng Eureka, kata­kut-takot ang weird inventions, kata­wa-tawang tongue-in-cheek dialogue at nakakasakit-tiyan na comedic moments.

At ating bida na si Carter ay laging nasa gitna ng mga pang­yayari dito trying to unravel a way to fix things.

Sangkatutak na pangyayari ang magaganap habang ang mga experiments sa technology ay pumapalpak, at ang mga nata­tagong sikreto ay kamangha-manghang nabubuking.

Ang 3rd season ay maghahatid sa mga SOLARtv fans ng mara­ming-maraming moments ng warm comedy at intriguing sci-fi mystery.

Show comments