Network war mas uminit, Hologram o virtual presence?

Seen : Ang mainit na network war ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa hologram issue. Na­nin­di­gan ang ABS-CBN na “virtual presence” at hindi ho­logram ang ginamit ng GMA 7 sa coverage ng Eleksyon 2010.

Scene : Nahalal na house representative ng Ilocos Sur First District ang boyfriend ni Lovi Poe na si Ronald Singson. Tumulong si Lovi sa kam­panya ni Ronald.

Seen : Career move at strategy ang paghi­hi­walay ng Sex Bomb dancers dahil malapit nang ma­wala sa ere ang Daisy Siete. Bibigyan sila ng iba’t ibang mga show.

Scene : Kahapon ang 53rd birthday ni Senator Mar Roxas. Kung siya ang mahahalal na Vice Pre­sident ng Pilipinas, makukumpleto ang kali­ga­yahan ng asawa ni Korina Sanchez.

Seen : Balik-taping sa Sweetlife si Lucy Tor­res. May taping si Lucy sa Lunes para sa kanyang show sa QTV 11. Si Lucy ang elected cong­ress­woman sa 4th District ng Leyte.

SCENE : Mahina ang ticket sales ng concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum.

SCENE : Ang pagtataray ni President Gloria Ma­capagal na paulit-ulit na inilabas ng Dokumentado ng TV5 noong Miyerkules.

Show comments