Wolfgang nominado sa Asia Voice Indie Music Awards

MANILA, Philippines - Ang Asia Voice Indie Music Awards 2010 (AVIMA) ay tinawag na world’s largest celeb­ration of independent talent. Ang una nilang awards was streamed live to 30 countries over the Internet.

Pinili mula sa 3,000 artists ng 25 bansa ang pu­­masok sa AVIMA 2010 nominees.

At apat ang nominasyong nakuha ng Wolf­gang : Best Rock Group, Best Rock Song, Best Rock Vocalist (for Basti Artadi) at Most Mind-Blow­ing Music Video.

Mayroon namang 17 categories ang AVIMA includ­­ing pop/R&B, rock, hip-hop, electronic/dan­ce, and collaborations.

Ang Wolfgang ay binubuo nina Basti Artadi (vo­­­cals and lyrics), Manuel Legarda (guitar), Mon Le­gaspi (bass) at Francis Aquino (drums). Uma­­­asa ang grupo na mananalo sila sa kanilang mga no­minasyon.

Pangalawang taon na ng AVIMA sa pagbi­bigay ng karangalan sa mga independent artists. Una ni­lang binigyan ng recognition ang Up Dharma Down ng Pilipinas alongside Thai­tanium ng Thailand, Electrico ng Singapore,at Motherjane ng India na pawang mga regional superstars.

Show comments