JC burado na kay Maxene

Seen : Si Lorna Tolentino ang Female Star of the Night ng 26th Star Awards for Movies. Male Star of the Night si Jericho Rosales.

Scene : Hindi nakarating si Vilma Santos sa Star Awards for Movies dahil abala siya sa pangangampanya sa Batangas. Si Luis Manzano ang tumanggap ng best actress trophy ni Vilma. Nanalo si Vilma dahil sa superb acting niya sa In My Life.

Seen : Si Kris Psyche Resus ang nanalo ng Miss Philippines-Earth title. Mga runner up sina Angela Fernando (Miss Philippines Eco-Tourism), Em­merie Cunanan (Miss Philippines - Water), Renee McHugh (Miss Philippines - Air) at Gwen Ruais (Miss Philippines - Fire). Ginanap ang co­ronation night ng Miss Philippines Earth 2010 sa Manila Ocean Park noong Sabado ng gabi.

Scene : Nakasira ang pakikipagmabutihan ni Jennylyn Mercado kay Dennis Trillo sa press release ng kampo ni Rocco Nacino na crush nito ang aktres na dalagang ina.

Seen : Tumaba si Alfred Vargas. Hiyang siya sa pangangampanya.Tumatakbong konsehal si Alfred sa District 2 ng Quezon City.

Scene : Aalis ng Pilipinas si LJ Reyes sa May 5 dahil sa ipanganganak niya sa Amerika ang lovechild nila ni Paulo Avelino.

Seen : Hindi na follower ng Twitter account ni JC Tiuseco si Maxene Magalona. Burado na rin si Maxene sa Twitter account ni JC. Hiwalay na sina Maxene at JC.

Show comments