l‘m sure na kung nahihirapan man sina Janice de Belen at John Estrada sa kanilang sitwasyon ngayon na kung saan may mga hindi sila pinagkakasunduan hinggil sa kanilang paghihiwalay, doble siguro ang hirap na nadarama ng kanilang mga anak. Sana maresolba na nila ito para sa ikatatahimik ng lahat.
Pero talagang mahirap magkasundo kapag hindi nag-uusap at nagkakagalit ang dating mag-asawang involved at korte lamang ang nag-uutos na mag-usap sila.
Sana for the sake of their children ay mag-usap sila ng mabuti, magkasundo at kung anuman ang mapagkasunduan ay tutuparin ng bawat isa sa kanila.
* * *
Sana yung mga artista na may trabaho ay papagpahingahin naman bilang pangilin sa Mahal na Araw. Ang dami kasing artista ang nagsasabi na gustuhin man nilang magsimba, mag-visita iglesia, o mag-retreat, hindi nila magawa dahil may taping sila. Kung ang mga producer nila ay nagagawang ma-observe ang Holy Week, bakit hindi ang mga trabahador nila, kasama na ang mga artista?
Pero baka naman mabuti na yung nagtatrabaho ka kesa naman ginagawa mong parang fiesta ang Mahal na Araw.
* * *
Aba, at mayroon na namang bagong pelikula na ipo-prodyus si Boy Abunda. Sa kabila ng kanyang kaabalahan, nakakapag-prodyus pa rin siya? Bilib ako sa kasipagan mo, Boy.
Title daw ng bagong movie niya ay ang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio. May pagka-historical ito. Aba, ‘di malayong malaki ang gastos nito.
Napanood ko yung first production venture ni Boy, ang Astig at nagandahan naman ako considering na bago ang nagdirek nito, si GB Sampedro.