PopGirls bagong idolo ng girl power

MANILA, Philippines - Ang bagong recording act na PopGirls ang bagong imahe ngayon ng mga kabataan lalo’t girl power ang pinag-uusapan.

Ang twins na sina Lai and Mar, kasama sina Rose, Schai, at Nadine aka PopGirls ay nagdadala ng kaka­ibang charm, style, and talent kaya sila ang uma­ngat sa isinagawang audition ng Viva big boss, Vic del Ro­sario, at ang topnotch choreographer na si Geleen Eugenio.

Kasalukuyang binubuo na ng PopGirls ang 13-track debut album na ipo-produce ng international composers na sina Christian de Walden at Marcus Davis. Ang teenaged group ang nagpasimuno sa Pilipinas ng P-Pop bilang tugon sa K-Pop ng Korea at J-Pop ng Japan.

Tamang-tama dahil ang theme ng mga P-Pop songs ay siya ring gusto ng Sisters Feminine Napkins dahil enjoy ang mga young girls sa mga fun activities kahit busy. Lahat din kasi ng miyembro ng PopGirls ay wholesome at patuloy na nag-aaral kahit may career na.

Iyon ang gusto ng iniendorsong napkin brand dahil mag­sisilbi silang modelo sa teen bracket, ang target mar­ket ng Sisters Feminine Napkin na pag-aari ng Megasoft Corporation.  

Show comments