Valerie expert na sa boxing

MANILA, Philippines - Napansin n’yo na ba na mas well-toned ang katawan ni Valerie Concepcion ngayon? Iyon ang resulta ng ginawa niyang Punch Out Fitness Video na nagpakita ng mga physical moves tulad ng proper boxing stance, footwork, jabbing, at iba pa.

Ang video ay binuo mula sa idea ng sportscaster at boxing analyst na si Mike Ochosa habang si Val ang nagho-host at nagpapakita ng ibang boxing moves kasama ang upcoming girl-group Eurasia.

Ayon kay Mike, na siya ring may-ari ng sikat na Punch Out gym, nagbibigay sila ng oportunidad na ma-feel ang energy sa boksing at magkaroon ng magandang korte ng katawan habang sinasabayan ang video.

Ang Eurasia, na lahat ng miyembro ay half-foreign Pinay, ay maglalabas na ng debut album sa Viva Records. Ang danceable na classic tune na Working Girls ang mapapanood sa Punch Out Fitness Video.

Ang buong instructional video ay idinirek ni Alain Valero Peñaflor.

Show comments