MANILA, Philippines - Mula sa producers ng blockbuster films na The Ring, The Grudge and The Departed, isang romantic thriller ang dapat abangan : ang Possession. Hango sa Korean film na Jungdok (Addicted), kung saan pinalitan ang ilan sa mga detalye nito upang mas maging exciting at kapana-panabik para sa mga manonood.
Si Sarah Michelle Gellar (The Grudge 1, The Grudge 2, Buffy the Vampire Slayer) ay gumaganap bilang si Jess, isang abogado na maligaya sa piling ng asawang si Ryan, na ginagampanan ni Michael Landes (Love Soup mini-series). Isa lamang ang hindi kinasisiyahan ni Jess, at ito ang kapatid ni Ryan na si Roman (Lee Pace ng The Good Shepherd, Showtime’s Soldier’s Girl). Kung ang kanyang asawa’y mahinahon at mapagmahal, si Roman naman ang exact opposite nito. Sa katunayan, kalalabas pa lamang nito sa bilangguan at pansamantalang naninirahan sa kanilang tahanan. Lalong gumuho ang mundo ni Jess nang maaksidente ang magkapatid at pareho itong na-coma. Ngunit nang magising si Roman, malaki ang ipinagbago nito. Ang kanyang asal ay parehong-pareho nang kay Ryan. Pilit nitong pinaniniwala si Jess na siya nga mismo ang kanyang asawa. Ngayon, nalilito at naguguluhan si Jess kung talaga nga kayang lumipat ang kaluluwa ng kanyang asawa sa katawan ni Roman o ito’y bahagi na naman ng isang malupit na laro nito.
Pinagsumikapan ng mga artista na kilalanin ang isa’t isa upang maging makatotohanan ang kanilang mga eksena. Masayang ibinahagi ni Landes : “We wanted to put in as much detail as we could. There’s a playfulness and an easiness to Ryan which Roman doesn’t have that Lee tried to tap into. It was fun – but he shot a lot of his Ryan scenes before I shot mine. I watched him do his sculpting scene, so I had to do a version of what he did. We didn’t want to make it obvious, but as brothers we’d have similar mannerisms.”
Huwag palalampasin ang Possession sa pagbubukas nito sa inyong mga paboritong sinehan simula April 3. Ito’y mula sa Viva International Pictures.