Breeding hindi nabibili ng pera: Sa awayan ng nanay at lola ni Charice

SEEN : Si Alfie Lorenzo sa press­con ni Gilbert Re­mulla. Magaling na ang manager ni Judy Ann Santos.

Tumuloy siya sa presscon ni Re­mulla matapos mag-check out sa St. Luke’s Hospital.

SCENE : Ang “Do not settle for any­thing less” na dialogue kahapon ni Anne Curtis sa opening ng It’s Showtime at patutsada sa kanilang rival show, ang Diz Iz It.

SEEN : Ang away ng ina at lola ni Charice  dahil sa pera. Cheap ang isyu. Hindi talaga nabibili ng salapi ang breeding.

SCENE : Sumumpa si Victor Aliwalas na wala siyang girlfriend.

SEEN : Biggest television break ni Andi Eigen­mann ang Agua Bendita. Nahihirapan si Andi na i-pronounce ang show na kanyang pinagbibidahan.

SCENE : Handang-handa na si Nonito Do­naire, Jr. sa laban niya sa Las Vegas sa Feb. 13. Talent si Nonito ng GMA 7 Artist Center ngunit ipalalabas sa ABS-CBN ang kanyang laban.

SEEN : Si Claudine Barretto sa Bangkok, Thailand. Nag-shooting siya para sa kanyang bagong TV commercial.

Show comments