Matinding lihim ni Iza mabubunyag

MANILA, Philippines - Ngayong Huwebes, saksihan ang pagbabagong magaganap sa buhay ng ating bidang si RJ sa Part 3 episode ng SRO Cinemaserye Presents Rowena Joy pagkatapos ng Queen Seon Deok.

Matapos haranahin ni Gino (TJ Trinidad) si Joy (Iza Calzado), magpo-propose na ito sa kanya. Yayakap si Joy kay Gino. Ang saya-saya nila pero malalaman ni Mina (Sheree), ang ex-girlfriend ni Gino, ang nakaraan ni Joy.

Nagkaroon naman ng nakawan sa parlor at ang suspect ay si Paolo (Lawrence Gutierrez), ang boyfriend ni Frannie (BB Gandanghari). Pinalayas ni Frannie si Paolo at nakipagkalas na ito sa kanya, kaya’t lungkut-lungkutan si Frannie.

Ano kaya ang mangyayari sa love story nila Gino at Joy kapag nalaman ng lahat ang tinatagong lihim at pagkatao ni RJ? Ipagtatapat na ba ni Joy kay Gino at sa kanyang magulang ang tunay niyang pagkatao?

Show comments