APO magko-concert dahil sa baha

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding baha na dala ni Ondoy, hindi natuloy ang konsiyerto ng The APO Hiking Society sa Skydome sa SM North EDSA noong Sept. 26. Ang magandang balita, tuloy na ang Apo Kayang Kaya Pa sa Nov. 28 at lahat nang nakabili na ng tiket noon ay makakapasok sa bagong schedule.

Ang trio nina Jim Paredes, Danny Javier, at Boboy Garovillo ay nakilala na sa industriya simula pa noong dekada 70. Nakagawa na sila ng mara­ming patok na kanta na inaabangan tuwing may live performance sila dahil sinasamahan pa nila ito ng katatawanan. Ilang beses na ring nai-remake ang kanilang hit songs tulad ng Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba, Doobidoobidoo, at Batang-Bata Ka Pa.

Kung may katanungan, tumawag sa Ticketnet (911-5555) o Viva Concerts and Events (687-6181 loc. 627 at 620).

Show comments