Baha, Bahay, Buhay

MANILA, Philippines - Ganti nga ba ng kalikasan ang trahedyang dala ni Ondoy? Ito ang tanong na sasagutin ng Baha, Bahay, Buhay : Imbestigador Special Report tampok sina Vicky Morales at Richard Guttierez ngayong Sabado sa GMA 7.

Sinasabing ang bawat patak ng ulan at agos ng baha ay may silbi sa kalikasan. Pinapanatili nila ang balanse sa ating mga ecosystem. Tumutulong rin sila para mamuhay ang iba’t ibang uri ng hala­man at hayop.

Pero kabaligtaran ang nangyayari kapag binaba­lewala natin ang natural na proseso ng ulan at baha. Sa paglipas ng panahon, ang pagpapa­tayo at pagpapatakbo ng mga syudad ay tila hindi inayon sa natural na galaw ng kalikasan. Ipinaalala ni Ondoy kung paano maaring burahin ng kalikasan sa isang iglap ang lahat ng pinaghirapan ng tao.

Iimbestigahan ng GMA News and Public Affairs ang koneksyon ng pagpapahalaga sa kalikasan at ng ating kaligtasan. Kasama ng mga eksperto, iisa-isahin ni Vicky at Richard ang mga dahilan sa likod ng matinding pagbaha sa loob at paligid ng Metro Manila. 

Hindi man natin kayang pigilan ang mga darating pang bagyo, may magagawa pa raw tayo para iwasan ang panibagong trahedya. 

Huwag palampasin ngayong Sabado, 9.45 ng gabi pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

Kinarir ni Richard ang pagiging co-host niya ni Vicki sa special report ng GMA News and Current Affairs.

May additional info rin siya sa pag-rescue niya kay Cristine Reyes.

Show comments