Home... parang short film

MANILA, Philippines - Maraming natuwa at sari-saring reaksiyon ang nakuha ng TV commercial (TVC) ng Nescafé Classic na pinamagatang Home. Ito yung nagbabalik na anak sa kanyang ina sa tinubuang bayan sa Batanes.

Nagmistulang short film at hindi anunsiyo ang

TVC dahil sa malalim na relasyon na ipinakita nito — ang pagbabalik sa pinag-ugatan at ang pakikipagkitang muli sa iniwang ina.

Ano ang nasa isip ng anak na nagbalik? Iiwan ba niyang muli ang ina at ang Batanes? Hindi natin alam. Pero ang sigurado, ipinakita ng TVC na para sa mag-ina ay may bagong pag-asa.

Simple lang ang lahat, masayang mapagsasaluhan ang isang tasang kape basta’t kapiling ang mahal sa buhay.

Show comments