Pauleen nakinabang sa break-up nila ni Dennis

Seen : Nakalagay sa Star Magic 2010 Ca­talogue na 16 years old lamang si Erich Gon­zales. Misleading ang information dahil 19-years old na si Erich na pilit pinabata dahil sa kanyang role sa Katorse.

SCENE: Nakaburol sa Heritage Park ang labi ni Atty. Esperidion Laxa, ang kapatid ng veteran actor na si Tony Ferrer. Itinuturing si Laxa na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Seen : Tig-iisang complimentary ticket ang ipinamigay sa mga miyembro ng entertainment press ng producer ng As 1 concert nina Gary Valenciano at Martin Nievera. Limitado ang ipinamigay na compli tickets dahil P3,000 ang bawat halaga nito.

Scene : Ipalalabas sa Storyline ng ANC sa Biyernes (10:30 p.m) ang love story ng film critic na si Alexis Tioseco at ng kanyang girlfriend na si Nika Bohinc na magkasabay na pinaslang ng mga magnanakaw sa kanilang bahay sa QC.

Seen : Bawing-bawi ang puhunan sa Star Magic 2010 Catalogue dahil sa mga ad ng mga product endorsement ng Star Magic talents.

Scene : Parehong dumalo sa red carpet premiere ng In My Life sina Edu Manzano at Ralph Recto, ang dalawang lalake na malaki ang bahagi sa buhay ni Vilma Santos.

Seen : Unseen si Roxanne Guinoo sa dalawang beses na presscon ng Yaya and Angelina, The Spoiled Brat Movie. May balita na hindi pinadalo si Roxanne.

Scene : Si Pauleen Luna ang nakikinabang nang husto sa isyu ng break-up nila ni Dennis Trillo dahil sa kanyang mahusay na pagsasalita. Si Pauleen ang publicist ng kanyang sarili.

Show comments