AYTNBS semi-finalists sa Life and Style

MANILA, Philippines - Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo mula alas-dyes hanggang alas-onse ng umaga’y itatampok ang 16 na semi-finalists ng AYTNBS kung saan bibigyan sila ng mga payo o pointers ng host na si Mader Ricky Reyes at mga panauhing journalist na sina Veronica Samio at Mario Hernando na naging saksi na sa maraming henerasyon ng mga artista at mang-aawit na nagsikap at nagtagumpay.

Abangan din ang mga tunay na istorya nina Roger Sumalpong sa Tesda Bida ni Tesda Sec. Buboy Syjuco at ang nagbibigay ng inspirasyong kasaysayan ng entrepreneur na si Mrs. Merle S. Alferez sa WE (Women Empowerment) sa salaysay ni Mayor Marides Fernando. Pati na ang pagmamadyik sa pamamagitan ng Gandang Ricky Reyes touch sa isang simpleng babae na biglang naging byuti sa Great Hair Day na pati kayo’y tiyak na matututo ng akmang hair style at make up.

Laging tumutok sa Life and Style na produksyon ng ScriptoVision.

Show comments