Yasmien huli sa aktong lumaklak ng alak?; UP Theater nagagamit sa kalaswaan; Gabby susubok uli sa pulitika

MANILA, Philippines - Seen : Exploited ang male cast ng Showboyz. Walang katuturan ang paghu­hubad nila sa badly-made movie na ipinalabas sa UP Film Center noong Miyerkules. Naging venue na ng mga malalaswang pelikula ang UP Film Center.

Scene : Invited sa Oscar awards si ABS-CBN President Charo Santos Concio. Gaganapin ang Oscars sa Kodak Theater sa February 22. Sana, madaanan ng TV camera si Charo sa paglalakad nito sa red carpet upang lalong maging makasaysayan ang pagdalo niya sa Oscar Awards.

Seen : High school picture ni Jinky Oda ang ginamit sa mga advertisement ng isang uri ng whitening pill kaya inireklamo ito sa Adboard.

Scene : Ang imbitasyon kay Gabby Concepcion na kumandidato sa eleksyon ng 2010. Sinubukan na noon ni Gabby na pu­masok sa pulitika ngunit natalo siya.

Seen: Ang fashion pictorial ni BB Gandanghari. Pout kung pout ang lips ni BB. Walang bahid na dating lalake si BB dahil babaeng-babae ang itsura niya. Mahusay ang kanyang make-up artist at stylist.

Scene : Ang video footage na nagpapakita kay Yasmien Kurdi na may bitbit na isang bote ng alak. Kung ayaw ni Yasmien na matsismis na lasenggera, maging maingat siya sa mga bagay na hinahawakan niya.

Seen : Hindi pa off- the air ang game show ni Gretchen Barretto sa TV5, ang You & Me Against The World ngunit predictable na ang kanyang hosting style.

Show comments