Ariel bumalik na sa pagkanta

 Muling maririnig ang balladeer na si Ariel Rivera sa bago niyang Sony-BMG album na Once Again na nagpabalik sa kanya sa una niyang pag-ibig- ang pagkanta.

 Nanatili pa rin ang husay ni Ariel sa musika kahit naisantabi niya ang pagkanta nang maabala siya sa pag-arte sa iba’t ibang telenobela sa GMA-7. Nakasabit pa rin sa kanyang dibdib ang mga multi-platinum album at hits hanggang sa kasalukuyan. 

Ang Once Again ang isang testamento sa pananatiling buhay ng career ni Ariel. Nauna siyang nakilala sa kanyang mga sentimental hits na Sana Kahit Minsan, Minsan Lang Kitang Iibigin, Simple Lang at Ayoko na Sana.

Kasama sa bago niyang album na Once Again ang Softly Saying Sorry na sinulat ni John Borja at ang revival ng Kung Ako na Lang Sana at ang Go the Distance ni Michael Bolton na naging tema ng animated film na Hercules ng Disney.

Kasama pa rito ang When I’m With You, Kakayanin ko Ba?, Love Won’t Leave Me Alone, Kaya Lang, Minsan Pa Lang at Bridge to Forever.  

Show comments