Aktres Walang Pakialam Na Kabit Lang

Parang UFO ang showbiz couple na ito sa rami ng sightings, kaya kahit nagdi-deny sa bawal nilang relasyon, mas marami pa rin ang naniniwalang may relasyon sila at kailangan lang itago’t may pamilya ang lalake.

Kung saan-saan sila napagkikitang magkasama at ang pinakahuli’y sa Bacolod City. Pati ang hotel na kanilang tinuluyan ay na-text din, kaya paanong hindi paniniwalaan. Kung ano ang ginagawa nila roon, wala pang nakakaalam at tsini-check pa ng mga reporter.

Pati ang bank kung saan may deposit ang lalake, alam ang pakikipag-relasyon nito sa actress dahil mismong misis ng lalake ang nagkukuwento sa tellers at bank personnel. Galit na galit si misis sa actress at ‘di lang maaway in public dahil iniingatan ang reputasyon nang pinag-aagawan nilang lalake.

Matapang ang actress dahil nang minsang tanungin tungkol sa nali-link sa kanya, ang sabi’y basta siya’y single (after makipaghiwalay), bakit daw hindi ang lalake ang tanungin. (Nitz Miralles)

Show comments