Conservative actress Naasiwa sa gay party

Malakas ang ulan kahapon pero umalis pa rin ako ng bahay dahil kailangan ang presence ko sa presscon ni Rhian Ramos.

Malapit nang mag-umpisa ang La Lola kaya super-promote si Rhian para sa tagumpay ng primetime show na pinagbibidahan niya.

Ka-join sa cast ng La Lola sina Wendell Ramos, JC De Vera Marvin Agustin at Iza Calzado. Kasama sana sa cast sina Mark Herras at Yasmien Kurdi pero nag-beg off sila.

Blessing in disguise ang pagtanggi ni Yasmien dahil may bago siyang project. Si Yasmien ang bida sa Saan Darating ang Umaga, ang show na ipapalit sa Gaano Kadalas ang Minsan.

Hindi pa rin matinag ang Gaano Kadalas... dahil hataw pa rin ang ratings nito. Pang-primetime nga ang ratings ng show nina Diana Zubiri, Camille Pratts at Marvin.

Pinatunayan ng tatlo na hindi kailangan na maging kontrobersyal ang isang artista para panoorin ng madlang-people ang kanilang show.

* * *

Sikat na sikat na pala si Patani ng Survivor Philippines dahil sa kanyang karakter. Sa totoo lang, hindi ko kilala si Patani dahil ni minsan, hindi pa ako nakakapanood ng episode ng Survivor Philippines.

Kasi naman, mortal sin sa akin ang magpuyat. Maaga akong matulog kaya hindi ko na napapanood ang reality show ni Paolo Bediones.

Alas-diyes ng gabi ang timeslot ng Survivor Philippines. Pinaka-late na sa akin ang 9 p.m. Puyat na puyat ang pakiramdam ko kinabukasan kapag 9 p.m. ako natutulog.

Aware ako sa public clamor na ilipat sa mas mataas na timeslot ang Survivor Philippines.

Ang balita ko, puwedeng ilagay sa early timeslot ang show kapag naabot nito ang mataas na rating na challenge sa kanila ng management.

* * *

Kung hindi ko pa napanood ang Showbiz Central noong Linggo, hindi ko makikilala si Chev, ang former GRO na unang natsugi sa Survivor Philippines.

Nakakaloka si Chev dahil palaban ang hitad. Talagang “I hate you all guys” ang message niya sa kanyang mga kasamahan na bumoto para matanggal siya sa show.

Hindi naging plastik si Chev. Nagpakatotoo siya nang sabihin niya ang kanyang nararamdaman.

Yun nga lang, bale-wala ang kanyang pag-e-emote dahil kahit ano pa ang kanyang gawin at sabihin, Luz Valdez na siya sa show na inasahan niya na magiging daan para sumikat siya.

* * *

Shocked-to-the-max ang isang conservative actress dahil puro mhin ang kanyang naabutan sa birthday party na pinuntahan niya.

Noon lang yata nakakita ang aktres ng sangkatutak na boys sa isang party kaya asiwang-asiwa siya.

Kasi naman, for gays only ang party. Hindi nakatanggi ang aktres sa imbitasyon na pumunta siya sa party dahil friend niya ang may nagdiriwang ng birthday.

Hindi mapakali ang aktres sa birthday party. Laugh nang laugh ang mga bisita dahil kitang-kita nila na asiwang-asiwa si conservative actress.

Show comments